Ex GF ni DJ Loonyo: "Sobra na ang kasinungalingan at pagmamalinis ng taong ito"

SHARE:

Viral ngayon ang Facebook post ng dating partner ni Rheumiel Loonyo o mas kilala bilang DJ Loonyo matapos iere ang kanyang kwento ng buhay sa Magpakai

Aika Flores at DJ Loonyo

Viral ngayon ang Facebook post ng dating partner ni Rheumiel Loonyo o mas kilala bilang DJ Loonyo matapos iere ang kanyang kwento ng buhay sa Magpakailanman.

Ayon kay Aika Flores, ex partner ni Loonyo, kasinungalingan ang inilahad na kwento ni Loonyo sa programa ng GMA 7.

Narito ang kanyang buong post:

To RHEMUEL LUNIO aka DJ LOONYO,

MAN! mukang di ko na kayang palagpasin tong araw na to gaya nung mga pinalagpas kong mga araw nung lumabas yung picture nating dalawa sa sobrang ka famousan mo at binash ako dahil nga naman ang pogi mo po e no at sino ba naman ako? sino nga ba naman ako ha?

ako po yung nanay nung anak ni rhemuel na sinalaysay niya sa isang show ng GMA.
di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to. di ko naman na kailangan talaga pabanguhin pangalan ko as his ex girlfriend pero as the mother of his child sobra na.

•STORYA NAMING DALAWA
nakilala ko siya sa isang show kung saan dancer ako don at contestant sila. group nila is from CDO so nakistay lang sila sa may mabuting pusong tumulong sa group nila sa mandaluyong.
nanligaw siya sakin nagpaligaw ako (buhay ng dancer) during the ligawan time meron nagmessage sakin girl siya (di ko na lagay name niya as respect) tinanong ako kung gf ako ni rhems kasi nga may gf daw sa CDO. nagulat ako at agad kong sinabihan si rhems na wag na manligaw. dineny ni rhems si ate girl from CDO ang sabi niya sakin “sponsor” niya daw kusa daw nagbibigay ng tulong sakanya financially. since uto uto pako non at gusto ko talaga siya binigyan ko ng chance lakarin ba naman manda to sta ana manila tapos may paiyak iyak pa. pinakiusap pa mama niya sakin sa phone so mas naramdaman kong wala nga siyang gf sa cagayan dahil pinakilala niya ko sa mama niya as gf niya.
mismong graduation day ko nung college ko siya pinakilala sa family ko since di pako allowed mag bf non kaya siya unang pinakilala ko sa family ko kasi graduate na ko e baka makalusot na sa parents (ganon thinking ko non) staka andon siya mismo sa graduation day ko ayoko naman masaktan siya kaya pinakilala ko kahit takot ako sa fam ko baka pagalitan ako. after non, simula non pinipilit niya ko sumama sa CDO para makilala family niya kasi gusto daw ako makilala. usapan namin 2 weeks lang kasi di ko sinabe sa family ko na sa CDO ako pupunta ang paalam ko e sa baguio magdadance class ako. kaya nung nasa cdo ako di ako nagpopost ng pics kasama si rhems dahil di alam sa fam ko. nag stay ako sakanila for 5 mos na ang usapan e 2 weeks. usapan namin ako bili plane ticket ko papunta cdo siya pauwe ko manila. since di niya ko binibilhan ng ticket pauwe di ako makahingi sa family ko (dahil di alam nasa cdo ako) nangutang ako sa friend ko para makabili ng ticket pauwe manila kasi sobrang hindi na ko okay sa relasyon namin. sino ba naman di magseselos kapag nahuhuli mo katext pa niya ex niya (yung SPONSOR niya daw, ilang beses), hahanapin mo palagi sa umaga magugulat ka nasa cr palaging dala ang laptop wala ka naman naririnig na sounds. babae ako, di ako robot na walang pakiramdam para di magselos at panahon na yun di ko alam na buntis ako. BINUNTIS MO AKO AT ALAM MO YUN.
nakahiram ako pambili ko plane ticket pabalik manila dahil sobra narin toxic nung relasyon namin dahil di mo kayang makontento. night before ng flight ko going back to manila nag pregnancy test ako at nag positive (2 mos na pala) NAGUSAP TAYONG DALAWA.
sinabe ko sayong buntis ako sabi mo “ALAM KO” tinanong kita kung pananagutan mo ba yung bata dahil ako itutuloy ko. ang sabi mo “OO MAHAL KITA, MAHAL KO YUNG BATA”.
since may ticket na ko pauwe manila sabi mo after 2 weeks susunod ka sakin para settle natin sa family ko.

nung nasa manila na ako at hinihintay ka sumunod sakin don, nararamdaman ko nanlalamig kana. chineck ko yung fb mo since alam ko password may nabasa ako may mga kachat kang babae actually may mga kalandian kang babae. dinedma ko. tapos isang araw bigla kang tumawag sakin, tanda mo pa ba?? GUSTO MO IPALAGLAG YUNG BATA. nagmakaawa ako sayo sa phone na para sa bata ayusin natin. sobrang depressed ko non alam mo ba? na nilunok ko pride ko para sa bata. nagkasundo tayo ule sumunod ka sa manila at kinausap natin parents ko. don tayo nag stay samin.
MAMA KO naglalaba ng damit mo, di tayo nagseshare sa gastos sa bahay (naintindihan nila kasi wala ka pang work)
6 mos na tiyan ko gusto mo parin pagsasayaw. SINUPORTAHAN KITA. ginamit mo pa kami ng anak kong rason para makapasok ka sa pangarap mong grupo “rockstars” sabi mo pa “manganganak na kasi asawa ko need ko na magwork gusto kong work yung passion ko rin” ININTINDI KITA NON SINUPORTAHAN KITA. ako nag aayos ng mga damit/gamit mo sa bag pang training mo araw araw, nanghihiram tayo sa mama ko minsan pamasahe mo pang training mo kapag short ka ule kasi kung may sayaw man kayo at yung talent fee niyo palaging kapos pang training mo palang araw araw short kana. wala nga tayong maipon ipon sa sinasabe mong “para sa panganganak ko” pero go sinuportahan kita.

isang gabe (almost 9 mos of my pregnancy)
matutulog na tayo nagffb ako. nagpost pinsan mo naka tagged dalawa mong ex pati ako, ako kidding aside nag comment na “sana tinag mo na rin si rems 😂” biglang kang nagalit sakin sinabihan mo kong pathetic, insecure at kung ano ano pa sabi ko sayo kung di mo nagustuhan sabihin mo sakin ng maayos pwede ko burahin kasi sakin biro lang naman since buntis ako non sensitive ako sa mga pinagsasabi mo pero galit na galit kana agad sakin. naginarte ako pinaalis kita ng bahay dinala ko maleta mo pababa ng hagdan at wala pang isang oras tinatawagan na kita pinapabalik kita dahil alam ko naman wala ka mastayan. tawag ako ng tawag sayo di mo sinasagot sabi mo ayaw mo na. (sakin non sa isip ko ang babaw, sana inintindi mo rin na sensitive ako that time) hanggang kinabukasan pinipilit kita umuwe sorry ako ng sorry pero biglang sabi mo lang “sorry di tayo para sa isat isa” nagmakaawa ako sabi ko kahit di na tayo magbalikan hintayin mo lang manganak ako dahil bawal sakin mastress kahit para sa bata nalang pero ayaw mo na talaga hanggang don nalang tayo nagusap dedma kana sa calls and texts ko. (KABALIKTARAN SA KWENTO MO DIBA?) pamilya ko lang may alam ng sakit na naramdaman ko non. tapos after a month nalaman ko may gf kana pala (isa don sa kachat mo na nabasa ko nung nasa cdo ka at manila ako yung panahong gusto mo ipalaglag yung bata). napapanuod pa kita sa tv sumasayaw ang saya saya buhay binata na parang walang responsibilidad na tinalikuran. umuwe ng cdo saktong due date ko (ayaw mo pahabol?)

year 2014 isang taon na baby natin FIRST TIME mong mag reach out sakin. nagtext ka gusto mo dalhin ko anak ko sa mall show niyo gusto mo makita. WOW!! anak ko ang gusto mo pumunta sayo? sa mall show niyo pa? bakit? papasikat ka para kunwari nagpapakatatay kana? tumanggi ako OO, dahil sinabe ko sayo kung gusto mo makita anak mo IKAW ANG PUMUNTA SAKANYA HINDI YUNG ANAK KO ANG PUPUNTA SAYO. ano ginawa mo? after ng convo natin na yun? diba wala na?? isang attempt isang rejection tapos wala na! nasan ang SINCERITY mong makita anak mo?? dahil kahit ayaw ko non alam mo kung san mo siya pupuntahan! nagawa mo ngang landiin yung kaibigan ko bat anak mo di mo magawan ng paraan??

TALIWAS NA NAMAN SA KWENTO MO DIBA?? SA KWENTO MO MAY PATABOY TABOY PA KONG GINAWA DAHIL PINUNTAHAN MO ANAK MO? KELAN NANGYARE YON???

year 2017 SECOND TRY mo mag reach out para makita anak mo, hinihingi mo num ko sa friend ko at panahon non binigay ko number ko dahil WILLING NAMAN TALAGA AKO ang problema ikaw! puro ka pa FAME! kung gusto mo talaga makita anak mo non edi sana nakita mo na dahil di ko siya nilalayo sayo IKAW ANG LUMAYO SAKANYA!

2017 nawala ang anak ko madaling araw tinawagan agad kita tulog kapa non sabi mo bihis ka lang punta kana ospital. NASOBRAHAN KA ATA SA BIHIS KASI NAG BOOTS KAPA E AKALA MO ATA SASAYAW KA?? hello!! nawala anak mo non di yun raket na kailangan mo pumorma! nagawa mo pa kasi pumorma non anong sense? emergency matter nakapag boots kapa??

first and last time mo nakita anak mo at sa ganong sitwasyon pa. sana masakit nga sayo ng totoo. kasi sakin SOBRANG SAKIT. ikaw pinagbihis ko sakanya sa burol niya sabi ko first and last time mo siyang bibihisan kaya ikaw bahala. OO ikaw sumagot ng gastos sa chapel sa mga bayarin tapos naghati tayo sa bayad sa lupa para sa libingan niya. bat ko sinasabe pa to? kasi LAKAS MO PO! pinagmamalaki mo sa cdo na ikaw nga gumastos lahat! hanggang huli HAMBOG ka! at kung ikaw nga lahat? ano naman?? utang na loob parin ba ng anak ko sayo yun???

libing ng anak mo, ano sinasabe mo sa speech mo? pogi ka, nirerepresent mo bansa natin sa ibang bansa etc. DIBA MAHAL MO NGA ANAK MO! nakakatouch yung sinabe mo e! sensya ah ayan kasi tumatak sa isip ko sa mga nonsense mong pinagsasabe na puro kayabangan!

after libing ng anak ko, yung titulo ng lupa sayo nakapangalan. syempre wala ako sa ulirat non ikaw lahat pinapirma ko dahil mukang okay ka naman non e ako kasi hindi. so nung kuhaan na ng titulo di ko makuha kasi sayo nakapangalan e? NAG AWAY PA TAYO SA PHONE DIBA? kasi ayaw mo itransfer sakin name ng titulo. MAS MAY KARAPATAN KA E NO??? hanggang sa huli talaga gusto mo kong pahirapan! so ayun buti nalang pagkatapos ng sobrang pagtatalo e tinrasfer mo sakin yung titulo.
tapos ng libing? DINALAW MO BA ULE?? kelan pa yun 2017 pa 2020 na NADALAW MO BA??? mas gusto mo pa nga makita agad yung babae mo after quarantine kesa dalawin anak mo?? AFTER NG LIBING NIYA NI ISANG BESES DI MO NA SIYA DINALAW! KAYA WAG KANG PA VICTIM!

ISANG BUWAN PALANG AKONG NANGANAK NON PINILIT KO RUMAKET SUMAYAW AKO KAHIT PWEDENG IKAPAHAMAK KO WALA E MAY ANAK AKONG BUBUHAYIN! HABANG IKAW SAYAW SAYAW LANG SA TV BUHAY BINATA?? WALANG SUSTENTO!

NANANAHIMIK NA ANAK KO. NANAHIMIK AKO NANG ILANG BESES. KAILAN BA MATATAPOS YANG PAGPAPASIKAT MO?? BIGYAN MO NAMAN NG KATAHIMIKAN ANAK KO DAHIL DI MO NA NGA SIYA BINIGYAN NG TATAY! TIGIL NA RHEMS! KUNG GUSTO MO MAGPASIKAT WAG KANA GUMAWA NG PANSARILING STORYA O KWENTO MO PARA BUMANGO KA! MABAIT KANG KAIBIGAN AT ANAK PERO SANA NAGING MABAIT KARING TATAY KAHIT DI NA AS PARTNER.

NAWALA ANG ANAK KO NG DI KA NAKILALA. WALANG GUILT SA PUSO KO DAHIL ALAM NATING DALAWA NA IKAW ANG PUMILI NON. KAYA SANA KAHIT KONTI LANG PAKITA MO NAMAN NA MAHAL MO SIYA. WAG MO NA ICLAIM NA MINAHAL MO SIYA DAHIL AKO NASASAKTAN PARA SA ANAK KO.

📸 ⬇️ buntis na po ako niyan kasama “rockstars”. support parin sa pagsasayaw niya. TALIWAS NA NAMAN SA KWENTO NIYA.
(di ako nakikipagpagandahan dahil wala po ako non kaya wag niyo na ko ibash. karapatan ko lang sabihn yung totoo.

COMMENTS

Name

Chicken,1,Health,12,Inspirational,2,News,19,Pork,3,Recipes,8,Seafoods,4,Seaweeds,1,Story,23,
ltr
item
Not Just Food: Ex GF ni DJ Loonyo: "Sobra na ang kasinungalingan at pagmamalinis ng taong ito"
Ex GF ni DJ Loonyo: "Sobra na ang kasinungalingan at pagmamalinis ng taong ito"
Viral ngayon ang Facebook post ng dating partner ni Rheumiel Loonyo o mas kilala bilang DJ Loonyo matapos iere ang kanyang kwento ng buhay sa Magpakai
https://1.bp.blogspot.com/-3FK3-xzPat4/XxO3Wk1B9eI/AAAAAAAAKE4/Sf1TO7He5ywCgXKrw3DrayYq5bw0ewryQCLcBGAsYHQ/w625-h374/aika-loonyo.png
https://1.bp.blogspot.com/-3FK3-xzPat4/XxO3Wk1B9eI/AAAAAAAAKE4/Sf1TO7He5ywCgXKrw3DrayYq5bw0ewryQCLcBGAsYHQ/s72-w625-c-h374/aika-loonyo.png
Not Just Food
https://www.notjustfoodph.com/2020/07/ex-gf-loonyo-sobra-kasinungalingan.html
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/2020/07/ex-gf-loonyo-sobra-kasinungalingan.html
true
8710097116385370453
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy