Babae, namangha sa pagiging gentleman ni kuya matapos i-offer ang damit pantakip sa hita niya para di masilipan

SHARE:

Tila nawawala na nga ba sa pag-uugali ng mga kalalakihan ang pagiging gentleman pagdating sa pagtrato sa mga kababaihan na kung minsan pa ay imbes na

 

Larawan mula kay Clong Clong
Tila nawawala na nga ba sa pag-uugali ng mga kalalakihan ang pagiging gentleman pagdating sa pagtrato sa mga kababaihan na kung minsan pa ay imbes na igalang at irespeto ang mga babae ay tila pinag-iisipan pa ito ng hindi maganda.

Ngunit ibahin natin ang naging karanasan ng isang netizen na si Clong Clong kung saan ay ibinahagi nito ang nakakamanghang ginawa ng isang lalaking nakasabay niya sa jeep.

Ayon sa kwento ng netizen, habang nakaupo siya sa sinasakyang jeep ay mayroon isang lalaki na umupo sa kanyang harapan at habang nasa byahe sila ay nagulat na lamang siya nang biglang i-offer ng misteryosong lalaki ang kanyang uniform para pantakip sa kanyang hita upang hindi siya masilipan.
Larawan mula kay Clong Clong
"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw." pagbabahagi ni Clong Clong.

Ayon kay Clong Clong, naka dress siya noong oras na iyon ngunit hindi naman ito kaiksian at above the knee lang ito kapag nakatayo kaya hindi naman ito panget tignan.

"Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo." ayon pa ito kay Clong Clong.

Pagsasaad niya, noong una ay tinanggihan niya ito at humingi ng pasensya at sinabing aayusin na lamang niya ang kanyang pag-upo ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nais pa rin ibigay ng lalaki ang kanyang dalang uniform na tila pagpapakita nga ng pagiging tunay na gentleman na bihira na lamang gawin ng mga kalalakihan sa panahon ngayon.
Larawan mula kay Clong Clong
"At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob."

Dahil sa pagbabahaging ito ni Clong Clong sa kanya social media account ay inulan ng mga positibong reaksyon ang ginawa ng lalaki mula sa mga netizen.

Basahin ang buong post ni Clong Clong sa ibaba:

"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw. Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo. At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob. 
Larawan mula kay Clong Clong
"Ps. Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahaha"

Basahin ang ilang komento ng netizen sa ibaba:

"Being a gentelman is so hard for others mas gugustuhin pa nga nong iba na tumingin kaysa mag insist at sabihin na ayusin yung upo karamihan kasi sa lalaki ngayon iniisip yung sarili kahit sa bus pag may nakitang babaeng nakatayo mas gugustuhin pa nilang pumikit para di nila makitang babae yung nahihirapan.

"For all boy's out there pls. Be a good man like kuya bibihira nalang yung ganyan sa panahon ngayon.

"Sana dami pa katulad mo boss kahangahanga ginawa mo saludo aq sau ipagpatuloy mo lang ginawa mo....at sana sa mga kababaihan huwag masyado magsoot ng subrang iksi nah mkapang aakit sa mga kalalakihan bigyan muna kunting respeto ang sarili nyo ok.godbless u all."
Larawan mula kay Clong Clong
"Good job kuya.at swerte din ng pinapasukan mong work kase may tauhan silang katulad mo pure gold ka talaga kuya kase may ginintuan kang puso god bless kuya"
Larawan mula kay Clong Clong
"bihira na ganyan lalaki ngayon.. pero salamat din sa babae at tinanggap niya offer na pantakip. sa amin kasing kalalakihan pag maganda ang intensyon at tinanggihan karamdam din kami ng pagkapahiya sa sarili. thank u sir kung sino ka man at thank u din sa girl."


****

Source: Clong Clong

COMMENTS

Name

Chicken,1,Health,12,Inspirational,2,News,20,Pork,3,Recipes,8,Seafoods,4,Seaweeds,1,Story,23,Trending,1,
ltr
item
Not Just Food: Babae, namangha sa pagiging gentleman ni kuya matapos i-offer ang damit pantakip sa hita niya para di masilipan
Babae, namangha sa pagiging gentleman ni kuya matapos i-offer ang damit pantakip sa hita niya para di masilipan
Tila nawawala na nga ba sa pag-uugali ng mga kalalakihan ang pagiging gentleman pagdating sa pagtrato sa mga kababaihan na kung minsan pa ay imbes na
https://1.bp.blogspot.com/-DV32XFQDBuU/XwutOcUOW1I/AAAAAAAAEmI/ibT447DGdBwiHPmxClrgXfXFEJ0qYK7gQCNcBGAsYHQ/s1600/pppppp.png
https://1.bp.blogspot.com/-DV32XFQDBuU/XwutOcUOW1I/AAAAAAAAEmI/ibT447DGdBwiHPmxClrgXfXFEJ0qYK7gQCNcBGAsYHQ/s72-c/pppppp.png
Not Just Food
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/babae-namangha-sa-pagiging-gentleman-ni.html
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/babae-namangha-sa-pagiging-gentleman-ni.html
true
8710097116385370453
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy