Donnalyn Bartolome, nagsalita na tungkol sa viral video na diumano'y kanyang lola na namamalimos

SHARE:

Nito lamang nakaraan ay nag-trending sa Youtube ang video na in-upload ng isang vlogger na si Jose Hallorina na may pamagat na "Lola ng Sikat na Youtu

 

Larawan mula sa Youtube at Twitter
Nito lamang nakaraan ay nag-trending sa Youtube ang video na in-upload ng isang vlogger na si Jose Hallorina na may pamagat na "Lola ng Sikat na Youtuber Namamalimos."

Sa video kasing mapapanuod sa Youtube, ininterview ni Jose ang isang ginang na naka-wheelchair sa gilid ng kalsada habang namamalimos ito.

Ayon sa naging interview ni Jose, si lola ay mayroon ng cerebral palsy kung kaya naman simula ipanganak ito ay hindi na siya nakakalakad.

Nagdalawang isip naman si lola na i-kwento kay Jose ang tungkol sa kanyang buhay dahil baka daw hindi magustuhan ng kanyang mga kapag-anak kapag napanuod nila ang naturang video.

Sinabi din ni Lola na matagal na daw siyang nananalangin na sana may makita siyang tutulong sa kanya.
Larawan mula sa Youtube
Hiling naman ni lola na magkaroon siya ng kahit na konting puhunan para makapag negosyo at kahit maliit na bahay na puwede nitong matutuluyan.

Dahil dito ay nanawagan si Jose na sana mapanuod raw ito ng apo ni lola na isang sikat na Youtuber at ibang kamag-anak para matulungan ang kalagayan ni lola.

Matapos ang pagkalat ng video na ito, agad namang nagbigay ng opinyon ang sikat na Youtuber na si Donnalyn Bartolome sa kanyang Youtube account at ipinaliwanag ang saloobin tungkol dito.
Ayon kay Donnalyn, ang apo na tinutukoy sa video ni Jose ay walang iba kundi siya. 

Sa umpisa ay sinabi ni Donnalyn na gusto man nitong intindihin kung ano ang pakay ni Jose sa pag-upload ng video ay hindi daw talaga niya maintindihan  kung ano nga ba ang intensyon nito.

Paglilinaw ni Donnalyn, ang matandang ininterview ni Jose ay kapatid ng kanyang lola na nanay ng kanyang mama.
Larawan mula sa Youtube / Donnalyn Bartolome
Lingid naman sa kaalaman ng tao na isang batang mabait at matulungin si Donnalyn kung kaya naman bakit parang siya ang naiipit sa ganitong sitwasyon.

Inalala din ni Donnalyn na noong birthday niya ay ipinahanap nito sa kanyang tita kung nasaan ang kanyang lola dahil nag-aalala ito kung ano na ang kalagayan ng kanyang nito.

Dahil umano sa sobrang busy ni Donnalyn ay hindi niya magawang siya mismo ang maghanap sa lola kung kaya naman nag-aantay na lamang ito ng update mula sa kanyang tita.

Upang makwento ng maayos ni Donnalyn ang tungkol sa kanyang lola ay pinahintulutan nito ang kanyang mommy na ikwento ang lahat.

Ayon sa mommy ni Donnalyn, kung bakit daw napunta sa ganoong kalagayan ang kanyang tiyahin ay pinili naman daw niya ito dahil dati namang raw mayaman at maginhawa ang buhay nito.
Ngunit mayroon daw ginawang kapalpakan kung kaya nagkahiwalay sila ng kanyang asawa.

Kwento pa ng mommy ni Donnalyn, ilang beses na nitong tinulugnan ang kanyang tiyahin, binigyan umano nito ng puhunan para sa negosyo at binigyan din ng pambayad sa apartment para may matuluyan ito dahil wala nga itong sariling bahay.

Hindi nagtagal umano ay nalaman nila na humihingi pa ng pera si lola sa iba nilang kamag-anak.

Dati din daw na nakatira si lola sa kanila ngunit sumama daw ang loob nito at umalis ng mapagbawalan na huwag na mag-uwi ng mga kalakal dahil natatambak lamang ito sakanila.
Larawan mula sa Youtube / Donnalyn Bartolome
Tumira na din daw si lola sa iba nilang kamag-anak ngunit ganun din daw ang nangyayari, naglalayas din daw ito.

Ayon pa sa mommy ni Donnalyn, hindi na daw bago ang ginawang ito ni lola, kaya lang daw ay nadadamay daw umano ang apelyidong Bartolome at nadadamay ang kanyang anak.

Nagbigay din ng mensahe ang nanay ni Donnalyn kay Jose na sana bago siya naginterview ay dapat inalam muna nito ang totoong pagkatao ng kanyang iinterviewhin bago siya tumulong.


****

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!

COMMENTS

Name

Chicken,1,Health,12,Inspirational,2,News,20,Pork,3,Recipes,8,Seafoods,4,Seaweeds,1,Story,23,Trending,1,
ltr
item
Not Just Food: Donnalyn Bartolome, nagsalita na tungkol sa viral video na diumano'y kanyang lola na namamalimos
Donnalyn Bartolome, nagsalita na tungkol sa viral video na diumano'y kanyang lola na namamalimos
Nito lamang nakaraan ay nag-trending sa Youtube ang video na in-upload ng isang vlogger na si Jose Hallorina na may pamagat na "Lola ng Sikat na Youtu
https://1.bp.blogspot.com/-qBI5z6tW8sE/XeZwfsdBymI/AAAAAAAADzo/uh_7c7iX7KMgdDDwrhub0A9ekDz9CwlpQCNcBGAsYHQ/s1600/6.png
https://1.bp.blogspot.com/-qBI5z6tW8sE/XeZwfsdBymI/AAAAAAAADzo/uh_7c7iX7KMgdDDwrhub0A9ekDz9CwlpQCNcBGAsYHQ/s72-c/6.png
Not Just Food
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/donnalyn-bartolome-nagsalita-na-ukol-sa.html
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/donnalyn-bartolome-nagsalita-na-ukol-sa.html
true
8710097116385370453
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy