Kahit ilog tatawirin! Mga guro sumakay sa payloader, maibigay lang ang modules sa kanilang estudyante

SHARE:

Isa ang pagiging guro na masasabi nating napaka-marangal na propesyon, isa ito sa maibibilang natin na haligi sa pagtataguyod ng isang lipunan na maih

 

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN


Isa ang pagiging guro na masasabi nating napaka-marangal na propesyon, isa ito sa maibibilang natin na haligi sa pagtataguyod ng isang lipunan na maihahambing sa pagiging doktor, inhenyero, sundalo, abogado at iba pa.

Una sa lahat, talagang hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga guro maihatid lamang ang pinakamahusay na serbisyo sa abot ng kanilang makakaya. *

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN


Kaya naman mataas ang tingin natin sa mga guro dahil nagsisilbing pangalawang magulang din natin sila noong tayo ay mga bata pa. Kaagapay ng ating mga magulang sa paghubog at paglinang ng ating kahusayan at kagandahang asal. 

Madami ang sakripisyo ng pagiging isang guro, nakaatang sa kanila kung paano nila maibabahagi sa kanilang mga estudyante ang kaalaman na nais nilang ituro sa kanilang mag-aaral.

Karamihan sa mga guro ay likas na may pagmamahal sa kanilang mga estudyante at itinuturing na nila itong mga anak sa loob ng classroom.

Sa kabila ng krisis sa pandemyang nagpapahirap ngayon sa ating bansa, iba't-ibang sektor ang sobrang naapektuhan nito kabilang na ang edukasyon.

Dahil sa pandemya, sinuspinde muna pansamantala ng pamahalaan ang pagbubukas ng klase at iniutos na lamang ng ating pangulo na gawing 'remote' ang pag-aaral ng mga bata. *

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN


Upang makaiwas sa pagkahawa ang mga ito sa sakit na corona virus. Hindi kasi maiiwasan na magsasama-sama ang mga bata sa iisang silid at mahihirapan ng sundin ang mga health protocols na ipinag-uutos ng ating mga opisyal.

Sari-saring paraan ang naiisip ng ating mga guro kung paano nila maihahatid sa kanilang mga estudyante ang kanilang mga serbisyo upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata.

Isa na rito ang kwento ng mga guro ng P. Olarte Elementary School sa bayan ng Roxas, Oriental Mindoro na sakay ng isang payloader para maihatid lamang ang modules ng kanilang mga mag-aaral.

Katatapos lang umulan, at malakas pa rin ang agos sa ilog, ngunit kailangan na nilang tumawid papunta sa karatig na Sitio Ilaya kung saan naghihintay ang kanila ang mga estudyanteng Mangyan. *

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN


Ayon sa guro na si Bb. Michelle Leviste, Teacher-in-Charge sa P. Olarte Elementary School, "I-aassess namin ngayon kung ano ang pinakamadaling paraan para sa pagkuha ng mga modules ng mga bata."

At para makatawid sa kabilang ibayo, nakiusap sila sa driver ng payloader na kasalukuyang nagpapahinga sa quarrying site na ihatid sa nasabing panghakot ng buhangin at graba.

"Sobrang hirap, grabe, nakakatuwa, nakaka-excite" ani teacher Michelle.

Tanging sa naka-imprentang modules ang paraan para maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral ng halos 200 estudyante ng P. Olarte Elem. School.

Hindi kasi lahat ng mag-aaral dito ay may kakayanang bumili ng gadget at magpakabit ng internet lalo sa liblib na lugar doon.

Nagpaabot ng mensahe ang gurpo ni Teacher Michelle para sa mga magulang na huwag gawing hadlang ang krisis sa pandemya upang matuto at ipagpatuloy ang edukasyon ng kanilang mga anak. *

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN



Bagkus ay gawin pa itong dahilan upang lalo pa silang magsikap at suportahan ang kanilang mga anak.

Umaasa rin sila teacher Michelle na makikipagtulungan ang mga magulang ng kanilang mga mag-aaral at sasamahan sila sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

"Huwag nating gawing hadlang ang pandemyang ito sa inyong pagkatuto." ani ni teacher Sunshine G. Falsario.

"Sa ating mga magulang, lalong lalo na sa ating mga mag-aaral, patuloy naming ihahatid sa inyo ang edukasyon," dagdag pa ni teacher Marcelina Dela Torre.

"Mga bata, mga magulang nyo muna ang magiging teahcer nyo ngayon, kaya mag-aral ng mabuti." sabi naman ng gurong si Bb. Jessa Angela Falsario.

Nagbigay naman ng pangako ang mga nasabing guro na kanilang babalikan ang mga modules sa takdang panahon, at kanilang gagabayan ng mga magulang sa pagtuturo nito. *

Screencap photos from Youtube @ABS-CBN



"Umaasa kami sa bawat magulang na samahan kaming mga guro para sa pag-aaral ng kanilang mga anak." pahayag naman ito ng guro na si Gng. Levi Mangubat.

"See you on the top and keep safe always." mensahe naman ni teacher Bryan Cruz.

Nakiisa naman ang mga magulang at kanilang mga estudyante na susuklian nila ang pagpupursige at dedikasyon ng kanilang mga guro sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.

Umani naman ng paghanga at respeto ang mga nasabing guro dahil sa ipinakitang sakripisyo at dedikasyon sa kanilang trabaho. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

" yan ang tunay na teacher..lahat gagawin para sa mag aaral..di puro paganda lang ang alam..salute you mga maam."

"maam saludo po ako sa adhikain ninyo na maipahatid ang karunungan sa mga mamayan paano naman po kung may isa sa inyo ang may dala ng virus.ilang bahay ang lilibutin ninyo ang magkalat ng kabutihan ay mahalaga pero ang magkalat ng virus ay d katanggap tanggap d ba. ingat po"

"yan ang tunay na mga Makabagong Bayani,sakripisyo para mga pag asa nang Bayan." *


Screencap photos from Youtube @ABS-CBN

COMMENTS

Name

Chicken,1,Health,12,Inspirational,2,News,20,Pork,3,Recipes,8,Seafoods,4,Seaweeds,1,Story,23,Trending,1,
ltr
item
Not Just Food: Kahit ilog tatawirin! Mga guro sumakay sa payloader, maibigay lang ang modules sa kanilang estudyante
Kahit ilog tatawirin! Mga guro sumakay sa payloader, maibigay lang ang modules sa kanilang estudyante
Isa ang pagiging guro na masasabi nating napaka-marangal na propesyon, isa ito sa maibibilang natin na haligi sa pagtataguyod ng isang lipunan na maih
https://1.bp.blogspot.com/-wQvYUMWHsCw/XyzRevJhmZI/AAAAAAAAIjA/_FeT8oMU2BQytTNd4DHTX0GovnGn3uEFQCNcBGAsYHQ/w640-h295/Gurosakay%2Bng%2Bpayloader%2B2.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-wQvYUMWHsCw/XyzRevJhmZI/AAAAAAAAIjA/_FeT8oMU2BQytTNd4DHTX0GovnGn3uEFQCNcBGAsYHQ/s72-w640-c-h295/Gurosakay%2Bng%2Bpayloader%2B2.PNG
Not Just Food
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/kahit-ilog-tatawirin-mga-guro-sumakay.html
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/
https://www.notjustfoodph.com/2020/08/kahit-ilog-tatawirin-mga-guro-sumakay.html
true
8710097116385370453
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy